Friday, January 31, 2003

Ang gugulo ng utak ninyo!

Pupunta ba o hindi? Aalis ba o hindi? Una oo. Tapos hindi. Tapos oo. Tapos hindi. Tang*na. Bahala na. Bahala na kung aalis ako. Bahala na kung aattend pa ako mamaya.. Ayokong maligaw papunta dun. Gusto ko pumunta pero I don't know how. Tang*na... kaya nga plinano ng matagal para hindi na sumablay sa mga schedule ng may schedule eh.

Pucha...sana nag-gym na lang ako.

Buwiset.

Thursday, January 30, 2003

All hail the Snapping Turtle!

Ang taray ko kahapon. Nasungitan ko si Ron at si Joy. Harassed na harassed ako kahapon. Mega-windang, ever! Nakalimutan ko magdala ng scrunchee so mega-sabog ever yung walis ko sa ulo. Late akong dumating sa clinic, tapos may nawawala pa akong chart (which I found eventually, Thank God!).

I haven't slept since Wednesday night. I spent the night sorting and stapling 16,000 pages of survey forms. Yesiree, Bob! Sixteen f*cking thousand pages! I'm updating my blog because I'm waiting for 75 copies of another survey to be printed. Ang bagal ng printer! Argh! If ever one of my siblings decides to use a survey for thesis, remind me to hit him/her over the head with my paddle, por favor!

So here I am, red-eyed and with my head spinning. Hindi ako makaka-orient ng mga BHW's nito. I might snap at them and well...havoc. Harharhar. Jobs can handle this. After all, she surely got some sleep.

P*tangina! After this, hindi na ako gagawa ng ganito ka-massive na task. No freakin' way! Ever!

So now, I am off to the bathroom to take a shower (sama ka?) and get to PGH to pass my DTR's and to fetch Jobs. Thank God my mom and dad decided to go to Batangas with us. Or else, we'd be lugging around 16 reams of paper. What a work out!

I'm outta here. I do hope I get to sleep in the car. And I swear..pag ako pa ang pinag-orient ni Jobs, iiwanan ko siya sa Batangas. Mag-commute siya pauwi! Hardiharhar! I'm just not in the mood to be nice.

Monday, January 27, 2003

The Masahista + kicking, screaming, crying, drooling kids equals...

It just occurred to me that I am going to be handling kids for seven weeks starting on Monday. No!!! Hindi to kaya ng powers ko! Either one of two things may happen: suicide or infanticide. Harharhar. Seriously, bwakanangshet! Wala akong pasensya sa mga bata! Hindi ko kaya! Baka masakal ko lang sila! Tapos terror pa yung mga CS (well, two of them, anyway) at ang daming mga horror stories! Dyosko! I cannot, I cannot! Himatay, himatay!

Mamatay na ako.

Or sila...

Mwahahahaha...
Black Hawk Down!

I managed to put in only two posts at peyups. Ni hindi man lang ako naka-post ng one-liner. Di man lang nga ako nakabati sa mem's area! Harharhar.

I just read Norlan's PM. Even if it's related to me, I still found it funny. Although hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit... pero natawa pa din ako. Ma-threaten daw ba! Harharhar!

May training nanaman bukas. Sakit nanaman ng katawan itich. Sinubukan ko nga i-PT yung sarili ko kanina eh. Nag-hot packs ako sa quads tapos nag-ultrasound ako ng quads at traps with Ben-Gay. Bwakanangshet, it works! Bukas mag-u-ultrasound ulit ako para ma-reduce yung DOMS ko. Hekhekhek. Maganda sanang thesis yun ah...

Speaking of thesis, natotoxic ako. Hindi pa ako nakakagawa ng manual for orientation para sa BHW's on Friday. Sana magawa ko na siya para hindi na ako ma-windang ever. May ihahabol pa pala akong dalawang eval. Ang sarap siguro ng buhay pag hindi na ako istudyante. Sariling diskarte na...yun eh kung makakuha ako ng trabaho ora mixmow. Agen, wish ko lang.

We had a cook-out yesterday at Vero's place. Ryski cooked most of the stuff and I was terribly disappointed with my pasta. Sa lahat naman kasi ng pwede kong maiwanan...yung oregano pa. May basil nga. May thyme, may rosemary...pero walang oregano. Ampanget! Pero oks lang. Ang dami at ang sarap naman nung niluto ni Ry so solb-solb kaming lahat. He made his famous meatballs...hot na hot! Harharhar.

Vero made this heavenly cheesecake. I think it was strawberry...with an Oreo crust. Bwakanangshet, I forgot my name! Nag-take home pa nga ako eh. Harharhar. Nagpahula din pala sila: si Jem, si Vani, si Vero, si Chris at si Ry. Ewan ko lang kung tumama ako pero nakakatawa sila habang binabasa ko yung cards... nagco-comment-an na sila, naghihiritan na...mwahahaha... All in the spirit of fun.

Hay, buhay. Down pa din ang peyups. Nakaka-sad naman...

Nunayt!

Saturday, January 25, 2003

WARNING: Blow-up Imminent. Take Cover. NOW!!!

Currently running on post blow-up fuel. Just had a chismax-cum-ranting session with John. Thanks, dude. I feel ever so much better now. *sigh of relief*

It's really unfair sometimes. I get blowed up on. I'm sort of used to that and I'm used to fighting back. But this was different coz it was, from my POV, for no apparent reason. I was like, What the f*ck? Where the f*ck did that come from? *grits teeth* It was really, really stressful and it took all my energy to stop myself from cussing the bejeezus out of the offending party. Argh.

Thank God that John isn't the type that gets intimidated easily. He even admitted that "You don't scare me. If you did, I would've put the phone a long time ago." Salamat talaga, pare. Kung hindi dahil sayo, magmumukhang dinaanan ng bagyo yung kwarto ko. Nakakabuwiset talaga! Kung masama ang araw niya, pwes, may karapatan akong wag masira ang araw ko. Buti kung anak mo ko or asawa mo ko, talagang obligado akong saluhin ka. T*ngina, nakaka-disappoint. Akala ko pa naman matino siyang tao.

My mom was right. She almost always is. Eventually, anyway. When she gets bad vibes, it's a warning sign. I don't blame her. In fairness, she gave me a warning. And I, the ever thick-skulled little b*tch that I am, refused to heed that warning. Whap...another mistake slapped in my face. Sure stings like hell but wakes you up from a really deep slumber...Harharhar...

Now I really gotta catch some Z's. I have only 5 hours till training. I want to be alive after tomorrow. Hardiharhar.

Down pa rin ang peyups. Bahala na. May bukas pa naman eh.

Goodnight! And this is for real.

Harharhar...
LETCHE!!!

Kailangan pa ba nya akong ganunin! Kailangan ba nyang sirain ang araw ko! Kelan pa siya nagkaron ng karapatang manira ng araw ng may araw? Today, of all days. My days, of all people. Dammit. Kung masama ang araw niya, wish ko lang wag naman nya akong idamay, diba? I've had a really bad day. Wag naman sana niyang sirain pa lalo. Wish ko lang...

Hindi tuloy ako makatulog! Baka bangungutin ako!

Down pa rin ang peyups.

Hay buhay!
K.O.!

Hindi ko na kaya. I'm too sleepy. I can't wait for peyups to be fixed. My eyes are closing...

Gising na lang ako ng alas-kwatro para mag-post. Sakto, one and a half hours na post. Tapos diretso sa higanteng kanal AKA Manila Bay. Yebah.

Goodnight!
Down nanaman ang peyups.com?

Nampugah naman! Bakit ngayon pa? Kailangan kong makapasok!!! Kailangan kong malaman kung tutuloy kami bukas kina Veronica! Naman...nakaka-frustrate!

Eniwei, chili con carne...I'm terribly disappointed that the Women's team won't be participating in the race on Saturday. Damn, I was really psyched up for it. Kaiz has been telling me to go on training, that it won't be right to stop training just because I won't be competing anytime soon. Of course I'm not giving up! I firmly believe that there is a reason for everything. Malay ko, I was meant to go to the Boracay Quest. It's almost a sure thing that I'll be at Boracay, even if I'll be a rah-rah-rah girl. Hell, I don't care! The sun, sand, fun, and the two-piece bathing suits are enough! There's always next year! I just pray that it won't coincide with my thesis defense, which the preliminary dates do. Damn...

Again...there is a reason for everything. Hell, maybe there's a reason why peyups is down. Maybe I'm not meant to post tonight. Harharhar!

It's a sign. Perhaps it means "MATULOG KA NA, GAGA! MAY TRAINING KA PA BUKAS!"

Heck...gusto ko mag-post eh. Buhay ko ang mag-post! Besides, may chismis si Norlan sakin eh. I have no idea what it could possibly be but hell, chismax pa din yun! Kailangan pa ring masagap! Harharhar!

At kailangan ko pa rin makita kung matutuloy bukas! Naman...may training pa eh. Kailangan kong malaman kung magmamadali ako galing sa training o pwede akong maglakad.

Hay buhay! Sana okei na ang peyups...

Friday, January 24, 2003

SIMULAN NA ITO!!!

Ayan! Sa wakas nasimulan ko na ito! Ang tagal ko nang gustong simulan ito. Pero ang hirap kasi kumilos pag masyadong busy. Daig pa ang asong pineste ng isang milyong garapata na nakatumpok lahat sa pwet. Di mapakali. Di man lang makaupo. Daig pa si Manong Magsasaka na pakanta-kanta na lang ng "Magtanim ay di biro, Maghapong nakayuko." Buti pa nga si Manong ay merong Manang Magsasaka to keep him warm at night. Eh ako. Wala. Nada. Zilch. Awan!

Imbyerna naman o!

As if that's not enough, hindi pa kasama ang Women's Team sa karera sa Sabado. Eksayted pa naman ako! Gustung-gusto ko na sana sumagwan na kasabay ang buong team na may sinusubukang lampasan. Pero shempre, tigang ang sabog kong beauty ever! With the matching pom-poms na lang at rah-rah-rah na lang ang energy ko.

Kanina, kasama ko ang mga trainees na sumagwan. Karamihan sa kanila ay mga virgin pa...sa pagsasagwan. (Utak mo ha...) Three training sessions ago, ganun din ako. Ang daling mangawit. Ang bilis hingalin. Mas malakas pang humingal kesa sa atletang sampung kilometro na ang tinakbo. Ang hirap mang-ipit sa pagitan ng dalawang hita. Ang hirap igalaw ng pataas-baba ang mga braso. Ang hirap makuha ang tamang rhythm.

Ah...paalala lang po. Pagsasagwan po ang pinaguusapan dito. Hindi po porno. Baka masapak ako ng Nanay ko.

Nasa topic na rin lang ng paalala, eto pa ang isang friendly reminder: wag na kayong maghanap ng mga eklat dito. Links, pictures, at kung anik-anik pa. Nagsusulat lang ako. Mas madaling mag-type kesa sumulat gamit ang bolpen at notbuk no. Tsaka utang na loob! Pagod na pagod na ang aking mga intrinsic hand muscles sa pagsulat-kamay ng mga running notes ng pasyente at kaka-notes sa thesis! At least sa keyboard, Carpal Tunnel Syndrome lang ang bagsak ko. Normal lang yun. Lahat ata ng taga-peyups magkakaroon nun by the year 2005 eh. Bwahahaha.

Eniwei, chili con carne...mabalik tayo sa pagsasagwan ko kaninang umaga. May papei na baguhan! Ever natunaw ang shorts ng lola! Pero shempz, as always, out of my league nanaman ang mokong. Hay...imbyerna talaga, ever!

Hay buhay...

Naiisip ko pa minsan si Kwatog. 'Langya yun. Magdadalawang buwan ko na ring hindi nakikita yun. Malay ko ba kung nasan sya. Dati alam ko kung nasan siya. Alam ko yung sked ng klase niya, yung oras ng uwi at alis niya sa bahay, kung nakaninong bahay siya ng kaibigan ng ganitong oras. Ultimo kung nasa banyo siya, kumakain o naliligo ay alam ko. Ngayon, maski landline niya hindi ko na alam. Eh hindi ko naman siya tinatawagan eh. Tumatawag lang naman sa bahay yun kapag kailangan niya ng taong lalandiin (at willing victim naman ang loka. Gaga!) na lalandiin rin siya. Kaya ngayon, kebs ko ba. Kahit wala akong nilalandi, at least peaceful naman ang landline ko. Harharhar.

Pero hindi nga. Namimiss ko din siya minsan. Nakakamiss yung pag-joyride hanggang alas-dos ng umaga (na akala mo wala kaming klase kinabukasan), pagtambay sa Ilang o sa Kalayaan, lumalamon lang ng kolesterol. O ang pagt- Tour of Quezon City namin sa mga bahay ng kaibigan niya. Nakakamiss din yung may naglalambing sakin. Kung sabagay hindi naman siya ganun kalambing eh. Mas malambing si Echol.

Si Echol naman kasi, parang Casper. Malingat ka lang, nawawala na. Kaya kami nag-break nun eh (o napilitan lang siguro ako). Nawala bigla eh. At least nalaman kong escapist pala yun. Ika nga ni Mommy, "walang balls yun!" Napaisip tuloy ako...Ano yung nakapa ko? Hindi naman medyas na naka-roll. Hindi rin naman patatas. Ano yun?!? Di kaya...jebs? Bwahahahaha. Pero in fairness, si Echol ang pinakamalambing. Mantakin mo ba namang magtext every 20 minutes ng "I love you". O di kaya'y "I miss you. Ingat ka. Tawag ako pag uwi ko."

Pero nakakasawa na rin after a while. Kaya mabuti na rin sigurong nag-disappear siya ala David Blaine. Dahil kung hindi, baka na-stuck ako sa relasyong yun. It wasn't bad. It just wasn't...well...hindi lang swak. Knowing me, ayokong gumi-give up sa relationshp eh. Pero pag gumive up na yung pakner ko, wala na. Gudbay na... Whatever! Saka na yang kasentihang yan! Marami pang araw para diyan. Mas masaya sigurong mag-inarte muna ako sa unang post ko. Bwahahaha.

Wala na eh. Wala nang kaartehan. Magpo-post na lang muna ako sa peyups.

Mamayang gabi na ulit tong ka-letchehan ko.

BTW, hindi ako masahista.

Hindi nga...