Sunday, February 23, 2003

Not again, not again...

I know it shouldn't go over the top with something like this but why do I get the feeling that I've seen this happen before? Deja-vu in the most wicked, most uncalled-for sense...

And of all people, dapat siya ang nakaka-intindi nito. Dapat alam na niya. Sa dinami-dami ng shinare ko sa kanya, sa dinami-dami ng napag-usapan namin at sa dami ng issues na nakita niyang hinarap ko...hindi ba dapat siya ang huling makaka-misunderstand at makaka-misinterpret sa akin? Pero bakit hindi ganun ang nangyari? Bakit siya pa, of all people, ang unang tumira?

At ako naman...hindi na ako natuto...

Dammit...

Saturday, February 22, 2003

Ajeeeeeeeh me baby!

I met up with the Ajeeeh girls this afternoon: Raqx, Ces, Ice, Yazz, Chei and Mai. Andun din si Ry. Goligosh kadudels! Namiss ko yung mga bruha! Walang hiya! Dapat maulit itich!

Ang ingay namin sa Starbucks sa Tomas Morato! Next time, Sunken naman.

As for now, nunayt na! Training pa!

Vavashushu!

Thursday, February 20, 2003

Waaaah! Namiss kita, mahal ko!

Grabegosh kadudels! Namiss ko yung mahal ko! Buti na lang nakapag-quality time kami kanina... kahit na 30 minutes lang yun, at paiba-iba ang speed ko...masaya naman ako. Pinagpawisan akong maigi... namula ang mukha ko, at sobrang nagmukha akong wicked witch of the West sa gulo ng buhok ko. Grabe...namiss kong hingalin habang nakapatong sa mahal ko...

Dat's ryt...namiss kong pumatong at apak-apakan ang minamahal kong treadmill! Yebah! Sa wakas ay nakita ko siya ulit...after two long weeks na hindi ko nasalat ang kanyang makinis na handlebars...14 days na hindi ko man lang naramdaman ang hingalin habang pabilis nang pabilis...ang aking pagtakbo...

Okei...tama na! Over na ang masahista...relak na ...baka ka mag-collap! Maaga pa kami bukas sa Batangas. Would you imagine: alas sais pa lang ng umaga, magmi-meet na kami ni Jobs sa istasyon...maygudness galigash beng beng! Eh namumuo pa lang yung muta ko nung mga oras na yun eh...pwera na lang kung may training. Gaddemet! Kala ko pa naman makakasaglit ako sa training area bukas.

Grabegash! Excited na akong bumalik sa training sa Sabaditch! Sa wakas, gagana na ulit ang aking mga tigang na muscles! Hardiharhar. Baka medyo may nagc-creak pa...kailangan ng oil...lubricate lubricate!

Bwahahaha...may naisip tuloy ako biglang pwedeng maging sig sa peyups...kaso medyo explicit eh... "Lubricate before you procreate" Bwahahaha...tapos magtataka pa ako kung bakit... NEBERMAYND, land mine! Wag na...solb solb na ako sa "If it makes you HAPPY, then why the hell are you so SAD?" ko na sig. Satisfied na aketch... magulo kasi ang mundo eh. Dadramahan ako ng kailangan niyang gawin ito...tapos nalulungkot naman daw siya. Nampugah. Eklat mo! Eh kung sinigurado mo ba muna bago ka kumilos eh di sana menos hassle ka ngayon! Eh hindi eh...ibang ulo kasi ginamit mo eh. Magdusa ka ngayon! Hnnnnttssee! (Taray no?)

Eniwei, chili con carne, ako'y matutulog na. Dapat akong maka-zzz ng at least 5 hours. Or else, zombie ako bukas. What's in your head...in your heyi-ye-ed! Zo-um-beh! Zo-um-beh zo-um-beyuh eyuh eyuh!

Ah ewan! Gudnayt, flashlight!

Vavashushu!

Wednesday, February 19, 2003

Sa wakas, natapos din!

I sure hope my absence was worth it. I finally finished the eval and home program. Lesson to self: never cram an eval. Mahirap! Goodness! It's hard enough to think. It's even harder to perfrom under pressure.

Now to submit. Harharhar...
Pagod na pagod nako!

may ginagawa akong eval. I'm just taking a break... I can't think. I feel stressed. I AM stressed. I'm tired of kids screaming when I try to make them stand. I'm tired of kids crying their lungs out whenever I try to make them crawl. I'm tired of kids banging their head against my chest when I teach them the proper way to walk. At some point during treatment, I feel like screaming, "Fine. Be as abnormal as you are now. Be dysfunctional physically, emotionally and psychologically. The hell I care!" But, f*cking shit, no matter how tired I am, I still care if some 3-year old kid can't even sit on his own. I still care that a one-year old baby can't even raise her head from the floor.I still care if my 5-year old patient can't descend stairs without bruising her shin.

Tired as I am, I still give a damn. And that fact alone makes me more tired than ever. I don't even have the luxury of time to whine becuase deep inside I know I care and I know I can make a difference, somehow. The spirit is alive and willing but the flesh is f*cking dead!!!

Gawd, I'm dead tired. I slept the night through last night. I didn't even get to do my home program. I got home at 7:30 and I was conked out till 7:30 the next morning. Been having bad dreams too. Yeah, yeah...out of sync brain waves, distorted theta waves (or is it beta...I'm pretty sure it's theta, though...whatever!) equals wacko nightmares. But it's stress-induced, I'm pretty sure. And when all of this is over, I will sleep 24 hours. And I will love every minute of it.

But for now...work.

Yech.

Sunday, February 16, 2003

Ayoko nang gumising bukas!


I hate Mondays.

'nuff said.

Blech.
Bakit ngayon pa?!

Wah! Hindi nanaman ako makapasok sa peyups. Okei...theoretically, hindi mahanap ng Explorer ko ang peyups pero naman...dash impasibol! A few minutes ago, I was posting like a madwoman and now... para akong baby na walang milk! Waaaah!!!

Heniwei, chili con carne, this may be a sign that says "P*tangina kang masahista ka! Puro ka peyups! Matulog ka na!!! Maaga ka pa bukas!... at tapusin mo na yang thesis mo!"

Oh well... I guess wala na nga akong magagawa kundi ang matulog...down ang peyups eh. Or ayaw lang talaga ako ipag-peyups ni Lord. Kasi daw masakit na daw ang mata ko...pumipikit na daw. Tapos mapupuyat daw ako at hindi ako makakapasok sa clinic mamaya...sayang naman daw yung attendance ko. Tatlong late arrivals din yun...tatlong possible training days. Nampugah...

Ayos yun pag nagsimula na akong mag-train, hindi pa man ako humahawak ng pasyente pagod na ako. Naku... a tired Masahista = a bitchy Masahista = bad bad Masahista = possible sermon si Masahista. Hwekhekhek. O kaya = tulog na Masahista still = possible sermon si Masahista. Mwahahaha! Ah ewan!

BTW, hoy Alexis, kung binabasa mo to... wala ka'y makit-an diri nga wala pa ka nakahibalo...pramis! Bwahahahaha! Kaya kung ako sayo, ikaw na lang ang magkuwento! Wala akong makukuwento sayo! Mwahahaha!

Vavashushu pipols! Nunayt!
Tigang na tigang na ako!

Grabe na ito! Puro thesis na lang ang inaatupag ko! Wala na akong buhay beyond thesis! Four training days na ang na-miss ko! Dyosko! Baka pag humawak ulit ako ng sagwan sa Tuesday, daig ko pa ang beginner sa pagsagwan! Baka mapaliguan ko yung nasa likod ko! Wawa naman! Bantot pa naman ng tubig! Hardiharhar!

Pagdating nga ni Kais kanina, sinermonan agad ako. "Ano ba? Magr-race ka ba o hindi? Ang layo na ng hahabulin mo! Bahala ka diyan!"

Waaaah! As if naman may magagawa ako no! Kung ako lang, mas gugustuhin kong sumagwan kesa mag-thesis! Mas gugustuhin kong sumagwan kesa mag-clinics! Mas gugustuhin ko sumagwan kesa mag-peyups...ay...teka...hindi pala. Mas gugustuhin ko mag-peyups kesa mag-thesis. Eherm...*clears throat* As I was saying...mas gugustuhin ko mag-row above all else! At least starting Tuesday, makaka-row na ako. Okei lang ma-late sa clinic! Okei lang masermonan ni Sir Dong (pero wag naman sana! Maygawd! Para akong basang sisiw pag napagalitan ako!) basta maka-row! May 12 late arrivals pa naman ako eh...o kaya 4 absences bago ako ma-force drop. At pwera pa yun sa bagsak!

Pero sana naman hindi ako bumagsak no! Gusto ko na grumadweyt! Sabi nung Feng-shui expert na pinuntahan ni Mama kahapon, gagraduate daw ako... kelan naman? baka naman October! Bwahehehehe. Tapos sabi pa niya na kailangan ko daw pumunta sa kanya para mabigyan daw ako ng protection eklavu at baka pasukan daw ako ng evil spirits. Duh! Hindi kaya dapat sila ang matakot sa akin at baka sapian ko sila! Mwahahahaha! Kebs ko ba kung mega appear sila sa harap ko... hi hello there na lang. Ika nga ni Ma'am Gayline, hindi ko sila makikita kung hindi ako prepared. So hindi na lang ako magp-prepare! Harharhar. Oks lang yun. Kahit medyo feeling ko weirdo ako...kahit medyo feeling ko alien ako...okei lang...

Ah ewan! Wala nang sense yung sinasabi ko!

Hweniwei, bundat na bundat ako since last night. Dapat kasi magsa-Saisaki kami kasi isang milenyo nang pinapangako sakin yan ng tatay kong perpetually bondat...kaso late na kami naka-alis ng bahay tapos naubos yung oras namin kakahanap ng parking (pumunta ka ba namang Makati ng Saturday night eh!). Tapos walang seats sa Haiku...maski dun sa isa pang Japanese resto sa 3rd floor ng Greenbelt 3 kaya nauwi kami sa Japanese fastfood. Gosh. Four servings ng sushi ang nakain ko: ebi, kani, tekka maki at Cali maki. Tapos may tuna at salmon sashimi pa aketch, tsaka mango shake sa Big Chill (wala kasing kiwi eh kaya nauwi ako sa mangga...okei na rin.). Kaya yun, bundat ever ako! Kaya pag-uwi ko, halos hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya natagalan ako matapos i-edit yung thesis. Kaya absent ako sa training this morning. Heehee...excuses!

Tapos nabundat ulit ako kanina kasi nag-lunch naman kami sa Pizza Hut. Pataasan kami ng salad sa bar ng brother kong bundat din tapos paramihan ng slices ng pizza na mauubos at paramihan ng chicken wings na makakain. Shempre panalo ako (as always! Harharhar!)... Tapos namili ako ng mga black shirts para sa training, tsinelas para sa clinic, jogging pants para sa gym...

Speaking of gym...one week ko nang hindi nabibisita yung bagong lab op may layp... yung treadmill sa gym nila Fernan...hwekhekhek. Mahal na mahal ko yun...lalo nayung treadmill number 1. Katapat kasi ng mirror eh...kitang kita kong nagkukulay kamatis yung mukha ko after 20 minutes. Harharhar... mukhang baboy na ginilitan ng leeg! Bwahahahaha!

Nampugah, nababaliw na ata ako ah! Hindi na ako sanay na walang sumasakit sa katawan ko! Gusto ko may sumasakit...pecs, lats, triceps, back, quads...basta may sumasakit lagi. Nawawala na nga yung kalyo ko sa kamay eh (salamat po sa gwantes! Harharhar...). Tigang na tigang na yung muscles ko! Kailangan na nilang ma-torture muli. Shemay! Baka 200 power longs pa lang tumirik na yung makina ko! Oh no! Hwekhekhek... Dalawang linggo na akong walang DOMS ah... Sana by Wedensday morning may DOMS na ako... mahirap nanamang mag-scrub ng likod, magsuot ng bra...pumulot ng bata sa sahig... Wag lang sana ako makahulog ng bata. Ayoko nang mapuna ni Sir Dong *shiver*... Si Hazel kasi eh...mage-endorse lang ng pasyente, hindi pa sinabing may siezure disorder yung bata. Eh kung biglang atakihin yun!

Eniwei, papei... aatupagin ko muna ang papel...saka na ang sagwan. *ngiting-aso*

Uy uy uy...may nagdrama nanaman... shempz medyo roll ang eyes ko ever! Goodness naman kasi! Kung may nais iparating, iparating na! Wag nang sumablay! Twice na siyang sumablay! Wish ba niyang sumablay muli? Strike out na siya, if ever! Mwahahaha! Minus ten million pogi points! Buti pa yung isa... hindi pa humihirit kaya hindi pa sumasablay. Better naman ata yun dibadibs? Silence forever na lang. Kesa yung nagpapahapyaw ng sobrang obyus na kulang na lang ay isampal niya sa mukha ko yung gusto niyang iparating... medyo naman yata na-insulto yung utak ko nun noh!

Anyway, chili con carne... ako'y mamaalam muna. Tatapusin ko na itong thesis na ito. Nababaliw na nga si Jobern kasi parehong nagloloko ang mga PC namin. Kawawa naman kami. Mano-mano tuloy yung analysis namin... salamat po Excel at Word! Harharhar!

Hay...sana naman next week, mamalagi naman ako sa bahay ko. At makapag-gym ako kahit minsan... namimiss ko na yung lab op may layp ko... ang tagal ko na siyang hindi naapakan! Bwahahaha.

Okei...tama na... thesis na ulit. Nawa'y hindi ako magka-IE this week...utang na loob! Puro RE aketch! Ayoko na, goodness gracious!

Okei...totoo na...

Vavashushu!

Friday, February 14, 2003

Try Cardio...

I found a nice, non-destructive outlet for all my pent-up frustrations: meet this slick baby: lightweight, fully adjustable, user-friendly M6300 electric treadmill. Nagiging laman na ako ng gym dahil diyan sa treadmill na yan. Running for 30 minutes at 8 miles per hour never felt so good. Maybe it helps that I've quit smoking (for the meantime, anyway) and that I have been wanting to strangle a bunch of people... great fuel! Harharhar.

It's also good training for the first leg of the 34th ARAP Regatta on March 16. Damn, I've missed 3 training sessions already! Buwiset kasi yang thesis na yan eh. Wala pa rin akong SPSS. Something's wrong with that freaking installer... well, anyway. Pinagka-OC-han na lang namin ng pakner ko ang Access at Excel and it works, thank God!

I will be stuffing my face this evening. Another family dinner = another more-than-full stomach.

I hope I make it to training tomorrow. Wish ko lang talaga matapos na yung thesis para wala nang problema. So I can concentrate on training for the race and the clinic. Sablay nanaman ako. At least hindi pa ako nakakahulog ng bata!

Thesis time na ulit! Farewell to thee!